Tuesday, February 20, 2024

Update

 I'm back...last entry was June 10, 2023... 

Now at Robinson's Metro East Mall... Dunkin... Had Combo 3... Large Iced Coffee with Tuna Bunwich...

Brought my laptop with me and "tambay" here in Robinson's while waiting for my youngest son, Marcio and will fetch/pick him up in school in a while.. Class is from 1200 to 1500... Plan to look for Work from Home Job online but sadly ang hirap maghanap.. It's like experience is one of the requirements... I really need to have an income the soonest time... Sobrang kapos na kapos kami financially... Dami naming gusto ipagawa sa mga bata like swimming lesson, instrument lesson, art lesson and so on...Pero walang budget... Haaaayyyyy.... I really miss working... Super sacrifice dahil sa mga bata specially Marcio... Since may ASD/Autism sya, nakakatakot iwan sa Yaya... But I know I'll find a way... WITH GOD'S HELP... 

AJA! =)

Saturday, June 10, 2023

Back to Blogging

Hi. So as my title says it, "Back to Blogging"...

Adjusted the font style and of course, font size 😊

Anyway, as usual, feeling off today... Hirap maging mahirap.. In a sense na kapos sa financial... Totoo pala yung "money talks".. Why? Nararanasan ko.. Kapag kulang sa kachingching ang baba ng tingin ng tao sa iyo.. kahit sarili mong pamilya.. OUCH! Masakit sa puso but that's reality... Lalo na kapag magulang mo... 

Reminder to self... LABAN! KAYA YAN! AJA! ANDYAN SI LORD! ALAM NI LORD ANG NASA PUSO KO.. kaya kahit mahirap ang sitwasyon, pilitin pa ding mag-smile... mag-saya... dahil BUHAY PA AKO... Humihinga pa... Makakagawa pa din ng kabutihan sa kapwa.. Mapagsisilbihan pa din pamilya ko lalo na ang mga anak ko, asawa at magulang...

LABAN! KAYA YAN! AJA! DASAL! 

ANDYAN SI LORD! HINDI AKO PABABAYAAN NG PANGINOON....

Instagram post

It’s been 3 years since I last posted something here... 

Now I’m back...

Sabi ng pamilya ko, magulang at mga kapatid, na napaka-nipis (sensitive)  ko daw at  ma-drama sa buhay... Totoo ba?!? Oo nga siguro totoo pero ang dahilan kasi may mga pinagdadaanan ako na hindi nila naiisip na kaya ako “na-drama”. 

Ito recently lang, nagluto ng spaghetti si Jill, sister in law ko at madami sya natirang sauce. Binigyan nya kami and masarap naman talaga sya magluto. Nagtabi sila for Trixia tapos pinadala na lang sa Condo thru Grab Express. Ako na pinagluto ni Jun ng spaghetti noodles kasi sabi ko naman sa kanya noon na madami akong noodles tsaka sabado yun eh holy day yun kay Jill coz of her religion at maaga (7am) pina-pick up ni Jun sa Grab. Tsempo naman na may make up class si Marius... 

DATE CHECK... 
Today: 10 June 2023
Wrote this blog originally on August 5, 2018... Hindi ko pala natapos.. Oh well.... Obviously nakalimutan ko na ang nangyari sa araw na ito so... Next blog soon.... 
 

Friday, August 1, 2014

bakit part 3

Mahirap  ba talaga ako pakisamahan? Yan ang sabi ng pamilya ko.. ng tatay ko, ng nanay ko at ng mga kapatid ko.. totoo na? Ang sama ko pala..

Bakit ganun? Bakit palaging sinasabi ng pamilya ko na may topak ako.. ikukumpara pa ako sa ibang tao.. sana kahit mins an makita nila yung nagagawa Kong tama... sana Hindi yung puro kamalian ko.. Hindi ba pwedeng ipagtanggol ang sarili ko... kailangan ba palagi na Lang ako sasangayon sa kanila kahit bumaba na tingin ko sa sarili ko...

Sana kahit minsan Lang yung positibo naman...

Wednesday, July 30, 2014

bakit part 2

Kailan nga ba ang huling input ko dito?!? Tagal na...

Anyway, as usual, dito ko nailalabas kung ano talaga nararamdaman ko. And yes as usual, I feel na napakababa ko name naman.. nanliliit ako... Hindi literally speaking.. emotionally...

Wala name ba sila makikita sa akin kundi any pagiging sensitive ko?!? In a NEGATIVE WAY! Na ako ang may kasalanan.. na ako ang mali.. sana kahit minsan isipin nila na nasasaktan din ako.. na nakakarmdam ako... pero Hindi eh... walang ganun... Hindi ko maipagtanggol sarili ko kasi bale wala naman eh... Sila pa din ang magiging tama at ako ang Mali at wala sa lugar dahil "napaka nipis mo tet! Parang yun Lang!" Yan ang palagi nila sinasabi sa akin. Immune na ako pero masakit pa din pakinggan..

Sana maunawaan nila kung ano ang nararamdaman ko... sana sila din maging sensitive sa nararamdaman ko...

Thursday, June 27, 2013

Bakit?

Bakit ganun? Parang hindi ako nakakatulong sa inyo. Parang pabigat ako o kami sa inyo. Sorry po kung napilitan kayo na dito kami muna tumira.. Napilitan nga po ba kayo? Alam ko naman na sagot sa tanong na iyon eh... Di ba sabi nyo po nung nagtanong ako sa inyo kung pwede kami muna tumira dito eh sabi nyo, "Okay lang pero paano kayo matututo tumayo sa sarili nyong paa?".

Maraming salamat po at pinatira nyo kami ng pamily ko dito sa bahay nyo kahit medyo di kayo abprubado... Alam ko po na pabigat pa kami sa inyo.. Na dapat kayong 2 na lang ni Daddy ang iintindihin nyo pero sumiksik pa kami ng pamilya ko.. GOD KNOWS kung pano po kami nahihiya na tumira dito kaso po wala na kami talaga pambayad sa upa ng bahay.. Alam ko naman naintindihan nyo..

May mga instances na nararamdaman ko ang parang feeling na pabigat na kami sa inyo. Pasensya na po kayo. Pasensya na po kung hanggang ngayon sa edad namin eh sumilong pa kami sa bahay nyo. Gumagawa naman po kami ng paraan para makapag bukod kami.

Mommy bakit po ganun ang nararamdaman ko.. Bakit parang naiinis kayo sa akin.. In short, parang naipapakita nyo na po sa akin ang ipinapakita ni Lola Tinay sa inyo.. Yung parang lahat na lang ng gawin ko eh hindi nyo naa-appreciate... Kapag nagku-kwento po ako sa inyo kadalasan blank face reaction nyo na para bang sinasabi nyo na, "Ok sige nadinig ko na kwento mo. So ano ngayon?!". Bakit po pag dating sa ibang mga tao super open kayo sa kanila.. Open ang communication nyo sa kanila.. Parang mas pabor kayo sa kanila kesa sa akin.. Selos? Malamang po nagseselos ako kasi hindi ko nararamdaman yung ipinapakita nyo sa kanila.. Example? Hinding hindi ko po makakalimutan ang nangyari noon na nagpasama ako sa inyo sa isang wedding expo sa Fort Bonifacio para makakuha ng mga idea's para sa sana kasal namin ng 1st boyfriend ko.. You were very enthusiastic sa mga suppliers and sa mga nakikita nyo pero sadly hindi para sa sanang wedding ko pero para kay Grace.. Pinapakuha nyo po ako ng fliers para maibigay kay Grace kasi ikakasal din sya that time.. Alam nyo po Mommy sobrang sakit po nun sa akin.. Inggit na inggit po ako kay Grace nuon.. Sabi ko na lang sa sarili ko buti pa si Grace...

Sana po Mommy hindi nyo maipagpatuloy na iparamdam sa akin ang nararamdaman nyo towards Lola Tinay.. Masakit po di ba? Wish ko lang po hindi tayo maging tulad ng relationship nyo ni Lola...

Saturday, March 9, 2013

sari - saring pakiramdam...

it's been a while since i opened this blog...

My baby is already 5 months old and I love being a Mom... =)  Masarap na mahirap...
Went back dito sa Marikina since I left the hospital after giving birth. Why? Eh wala na kaming pambayad sa  house rent. Wala pa ako work since tinanggal kami sa PAL. Mahirap talaga pero honestly natututo akong mamuhay ng simple. Ang pangarap ko lang talaga ngayon is magkaroon kami ng sarili naming bahay at lupa... Hindi naman kami naghahangad ng mansion. Pareho nga namin gusto ni Jay na bungalow type house lang eh. Kaso hindi namin alam kung mangyayari yun at kung kailan...Sa totoo lang I miss having our own place...

Dami ko sanang gustong ilabas kaso I'm sure it will take a long time eh I'm kinda sleepy na din. Basta maisusulat ko din dito someday...

Sa ngayon, sana may fairy godmother ako. Iwi-wish ko sana magkaroon na kami ng sariling bahay at lupa...