Bakit ganun? Parang hindi ako nakakatulong sa inyo. Parang pabigat ako o kami sa inyo. Sorry po kung napilitan kayo na dito kami muna tumira.. Napilitan nga po ba kayo? Alam ko naman na sagot sa tanong na iyon eh... Di ba sabi nyo po nung nagtanong ako sa inyo kung pwede kami muna tumira dito eh sabi nyo, "Okay lang pero paano kayo matututo tumayo sa sarili nyong paa?".
Maraming salamat po at pinatira nyo kami ng pamily ko dito sa bahay nyo kahit medyo di kayo abprubado... Alam ko po na pabigat pa kami sa inyo.. Na dapat kayong 2 na lang ni Daddy ang iintindihin nyo pero sumiksik pa kami ng pamilya ko.. GOD KNOWS kung pano po kami nahihiya na tumira dito kaso po wala na kami talaga pambayad sa upa ng bahay.. Alam ko naman naintindihan nyo..
May mga instances na nararamdaman ko ang parang feeling na pabigat na kami sa inyo. Pasensya na po kayo. Pasensya na po kung hanggang ngayon sa edad namin eh sumilong pa kami sa bahay nyo. Gumagawa naman po kami ng paraan para makapag bukod kami.
Mommy bakit po ganun ang nararamdaman ko.. Bakit parang naiinis kayo sa akin.. In short, parang naipapakita nyo na po sa akin ang ipinapakita ni Lola Tinay sa inyo.. Yung parang lahat na lang ng gawin ko eh hindi nyo naa-appreciate... Kapag nagku-kwento po ako sa inyo kadalasan blank face reaction nyo na para bang sinasabi nyo na, "Ok sige nadinig ko na kwento mo. So ano ngayon?!". Bakit po pag dating sa ibang mga tao super open kayo sa kanila.. Open ang communication nyo sa kanila.. Parang mas pabor kayo sa kanila kesa sa akin.. Selos? Malamang po nagseselos ako kasi hindi ko nararamdaman yung ipinapakita nyo sa kanila.. Example? Hinding hindi ko po makakalimutan ang nangyari noon na nagpasama ako sa inyo sa isang wedding expo sa Fort Bonifacio para makakuha ng mga idea's para sa sana kasal namin ng 1st boyfriend ko.. You were very enthusiastic sa mga suppliers and sa mga nakikita nyo pero sadly hindi para sa sanang wedding ko pero para kay Grace.. Pinapakuha nyo po ako ng fliers para maibigay kay Grace kasi ikakasal din sya that time.. Alam nyo po Mommy sobrang sakit po nun sa akin.. Inggit na inggit po ako kay Grace nuon.. Sabi ko na lang sa sarili ko buti pa si Grace...
Sana po Mommy hindi nyo maipagpatuloy na iparamdam sa akin ang nararamdaman nyo towards Lola Tinay.. Masakit po di ba? Wish ko lang po hindi tayo maging tulad ng relationship nyo ni Lola...
Thursday, June 27, 2013
Saturday, March 9, 2013
sari - saring pakiramdam...
it's been a while since i opened this blog...
My baby is already 5 months old and I love being a Mom... =) Masarap na mahirap...
Went back dito sa Marikina since I left the hospital after giving birth. Why? Eh wala na kaming pambayad sa house rent. Wala pa ako work since tinanggal kami sa PAL. Mahirap talaga pero honestly natututo akong mamuhay ng simple. Ang pangarap ko lang talaga ngayon is magkaroon kami ng sarili naming bahay at lupa... Hindi naman kami naghahangad ng mansion. Pareho nga namin gusto ni Jay na bungalow type house lang eh. Kaso hindi namin alam kung mangyayari yun at kung kailan...Sa totoo lang I miss having our own place...
Dami ko sanang gustong ilabas kaso I'm sure it will take a long time eh I'm kinda sleepy na din. Basta maisusulat ko din dito someday...
Sa ngayon, sana may fairy godmother ako. Iwi-wish ko sana magkaroon na kami ng sariling bahay at lupa...

Subscribe to:
Posts (Atom)