Thursday, October 7, 2010

text message...

"Just keep pushing through your mga pangarap, I know dadating din yung mga yun. I'm really happy na ikakasal ka na, eventhough I'm thinking that you are the perfect girl supposed to be mine... but anyway.... my tears are falling again.... regrets..."

"You still have that special place in me Tet no matter what happen, hindi na mawawala..."


06October2010

Friday, September 3, 2010

Wedding...

Finally, this is it!

Jay and I decided to make it formal... March 05, 2011 at Our lady of Mt. Carmel Shrine in New Manila, Quezon City, 3:30pm.

Jay's family went to our house for the pamamanhikan last August 15, 2010 at around 7:00 pm. He came with his Mom, sister Jean and Auntie's. Tapos sumunod family ng Tito JekJek nya, with his wife and 1 daughter. They bought food... lots of food! =)

It went well, actually wala masyado napagusapan about the wedding, more on getting to know each other i guess.

Jay was a little bit quiet the whole time. Yun pala kinakabahan na siya! lol!

It went well and I think both families are happy for our decision.

I know our family will support us all the way...

Thank you LORD! =)

Thursday, January 7, 2010

worth...

Just came from Shangri-La Mall with my college friends, Janice, Hershey, Suzette and Marissa. Had brunch at Crustacia Thai Shrimp House, buffet lunch at php395. Food was good and it can be recommended too.

Chikahan pa kami nila Janice and Hershey ( syempre, kaming 3 na naman ang natira) sa Good Spoon I think, ice cream/yogurt desert. Tapos I stayed at Megamall... window shopping of course! =)

When I get home, naabutan ko sila Daddy, Mommy and Trixia kumakain ng dinner. So I joined them kasi medyo gutom na din ako. After a while nung kumakain na ako, nagtanong si Mommy kung ano daw yung iniwan kong deposit slip para kay Jeff sa kwarto nila. So ako naman sinagot ko ng normal na bayad ko dun sa US Visa application. Then it started....

Sinabihan ako ni Mommy na bakit hindi ko daw inabot ng personal kay Jeff at iniwan ko na lang sa kwarto nila. Sabi ko binanggit ko kay Jun-Jun at pinasabi ko na lang sa kanya. Bakit daw ganun ginawa ko. Tapos sabi ni Daddy kung bakit hindi daw kami nag uusap ni Jeff, kung ano daw ikinagagalit ko kay Jeff. Tungkol daw ba sa pag tulog ng girlfriend nya sa bahay ang kinagagalit ko. Hindi ako sumasagot. Sabi ko lang after a while na, "hindi na nga po ako nagsasalita or kumikibo..." Kung galit ako or inis daw ako sa girlfriend eh wag ko daw idamay si Jeff... Magsalita ako... Wag ako manahimik... Sabi ko kahit naman magsalita ako o hindi ako pa din ang mali... Huwag daw ganun ang iniisip ko kaya nga daw pinaguusapan. Panganay ako at dapat mag set daw ako ng magandang example sa mga kapatid ko... Hindi naman nila pinakikialaman ang mga naging boyfriend ko...

In short, galit na naman ang magulang ko sa akin... Binigyan ko na naman sila ng sama ng loob... Disappointed na naman sila sa akin...

Diyos ko po! Alam ni Lord na ayoko na sila bigyan ng sama ng loob at ayoko na sila bigyan ng problema dahil sa akin.. Lahat naman ng gusto nila ginagawa ko o sinusunod ko sa abot ng makakaya ko...

Hindi ba ako nagseset ng magandang example sa mga kapatid ko? Yung pagsunod sa gusto nila na kapag nag aaral bahay-eskwela lang, sinunod ko yun di ba? Yung tapusin ang college bago mag boyfriend, never ako nagka boyfriend simula tumuntong ako ng eskwelahan... Tinapos ko ang high school at college na mabibilang sa daliri kung ilang beses ako gumimik... hindi pa ba ako nagse set ng good example nun?

Umabot ako sa edad ko na ito na 33 pero hanggang ngayon hindi ko masabi sa sarili ko na masaya ako sa personal kong buhay... Wala akong maalala na na-enjoy kong husto ang pagiging teenager ko... walang kilig moments na may nanliligaw... walang nagpadala or nagbigay ng roses or bulaklak... walang gimik kasama ang barkada sa labas ng school... walang overnight paminsan minsan sa kaklase para tapusin ang project at makapag kwentuhan naman...

Magsalita daw ako... bakit hindi ako nagsasalita? dahil ayoko silang masaktan....
Baluktot daw ang pangangatwiran ko...
Sorry po kung masyado akong naging pabigat sa bahay na ito... sa buhay ninyo... kung wala akong naitulong sa inyo... kung hindi ko kayo naparamdam na proud kayo sa akin...

Pero sana lang, yung simpleng bagay na nagagawa ko dito sa bahay gaya ng paghuhugas ng pinggan halos araw araw at ang pagtatapos ko ng College eh sana man lang ma-appreciate nyo... Kahit yun lang po, kahit yun lang po...

Tuesday, January 5, 2010

emotions/feelings...

I hate this feeling... I feel sad, bored, empty... Parang walang nangyayari sa buhay ko... Doing the same old stuff... routineary... Parang may kulang... Parang hindi ako masaya...

Ang dami kong gustong gawin kaso hindi ko naman maumpisahan... Bakit? Ewan ko din...

Haaaaaayyyyyyy.....